SINTESIS

Ang blog na ito ay ang koleksyon ng pagsusuri ng mga tulang natalakay sa subject na Great Books o GED117. Ang mga tulang kasama sa blog na ito ay ang mga gawa ni Jose Corazon de Jesus, "Manggagawa", "Puso, ano ka?", "Ang Buhay ng Tao", "Ang Tren", "Pag-ibig", at "May mga Tugtuging Hindi ko Malimot". Imbes sa mga tulang nabanggit ko sa blog na ito ay marami pang mga tula si Jose Corazon de Jesus na mapagpupulutan ng mga makabuluhang mensahe at aral na maaari nating maiugnay sa kasulukuyan. Una ay ang tulang "Manggagawa", ang aking napulot na mensahe dito ay ang pahalagahan natin ang ating manggagawa, subalit sa kanilang pangalan ay hindi natin alam na sa kanila tayo aasa sa kanilang mga nagagawa. Katulad ng mga magsasaka at mangingisda, sa kanila nakasalalay ang suplay ng ating pagkain. Ang mga doctor, o frontliner, sa kasalukuyan tayo ay umaasa sa kanila para tayo ay gamutin sa ating mga sakit lalo na ...