Puso Ano Ka?

PUSO, ANO KA?

Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.

Ang puso ng tao’y parang isang relos,
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.

Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat pintig
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.

Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.


PAGSUSURI NG TULA


    Ito ang tula ni Jose Corazon de Jesus tungkol sa pag-ibig. Ipinahayag niya rito na ang puso ay tila sanay na masaktan, at nakaugalian na. Naiintindihan ko na kapag patay na ang puso at nakasanayang masaktan, parang wala sa atin na parang gamot na walang epekto sa tao. Kapag pagod na ang puso ay may hangganan din, alam niyang alam nating lahat na kapag pagod na tayo sa tao o lipunan, naaabot din natin ang ating limitasyon at wala tayong pagpipilian sa anumang mangyari. Ang puso daw ay parang ost'ya na isa sa ating pangangailangan, ngunit kung ito ay nakasanayan na sa anumang sakit, ito ay kayang lagpasan ang anumang pagsubok sa buhay.

    Pano naiiugnay ang mensahe ng tulang ito sa kasulukuyang panahon? Sa panahon ngayon, maraming tao ang sumusugal para sa pagmamahal, marami mang nasasaktan, ngunit marami rin ang nagagalak. Masaktan man sila o hindi, alam nila na tama sila sa pagsugal dahil alam nila na may mapupuntahan ang kanilang pinaglalaban, pero para naman sa mga hindi sumugal, alam nila na pagod na sila at alam nila ang kanilang hangganan kaya't hindi na nila pinilit pang sumugal para maiwasan ang sakit na madarama.


Comments

Popular posts from this blog

Ang Tren

Manggagawa

SINTESIS