SINTESIS
Ang blog na ito ay ang koleksyon ng pagsusuri ng mga tulang natalakay sa subject na Great Books o GED117. Ang mga tulang kasama sa blog na ito ay ang mga gawa ni Jose Corazon de Jesus, "Manggagawa", "Puso, ano ka?", "Ang Buhay ng Tao", "Ang Tren", "Pag-ibig", at "May mga Tugtuging Hindi ko Malimot".
Imbes sa mga tulang nabanggit ko sa blog na ito ay marami pang mga tula si Jose Corazon de Jesus na mapagpupulutan ng mga makabuluhang mensahe at aral na maaari nating maiugnay sa kasulukuyan.
Una ay ang tulang "Manggagawa", ang aking napulot na mensahe dito ay ang pahalagahan natin ang ating manggagawa, subalit sa kanilang pangalan ay hindi natin alam na sa kanila tayo aasa sa kanilang mga nagagawa. Katulad ng mga magsasaka at mangingisda, sa kanila nakasalalay ang suplay ng ating pagkain. Ang mga doctor, o frontliner, sa kasalukuyan tayo ay umaasa sa kanila para tayo ay gamutin sa ating mga sakit lalo na ang mga naging apektado ng COVID19.
Pangalawang tula na nabanggit ko dito ay "Ang Tren". Isa rin ito sa aking mga paboritong tula ni JCDJ, dahil naipapahiwatig nito ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Katulad ng isang tren, kahit pa ito ay luma at ang makina ay umiingay na, hindi ito naging hadlang para sa kanyang pagtuloy-tuloy sa pagbyahe. Dapat tayo ay maging katulad ng isang tren, na kahit anong kaharapin natin ay hindi tayo titigil at tayo ay magpupursigi pa rin.
"Ang Buhay ng Tao", ay may pagka-katulad sa "Ang Tren", dahil para sa akin pareho nitong sinisimbolo ang buhay at ang pagkakadedikado ng isang tao sa kanyang mga ginagawa. Kaya masasabi ko ang mensahe nito ay parang nalalapit sa mensahe ng "Ang Tren", ang napulot kong mensahe sa tulang ito ay tayo ang may kapakanan na baguhin ang takbo ng ating buhay.
Ang mensahe na napulot ko sa "Pag-ibig" ay hindi lahat ng oras o panahon ay magkaayos ang dalawang taong nag-iibigan. Papasok din dito ang kanilang pagiging mapagmatiis, at mapag-unawa bilang isang kasintahan. Nasa mensahe rin nito na ang pag-ibig ay hindi lamang pag-ibig, dahil ito ay pwedeng pag-ibig na ginagamit ang isip o pag-ibig na ginagamit ang puso.
Matindi rin ang mensahe na dala ng "Puso, ano ka?". Dito natin malalaman na 'di lahat ng bagay ay kaya hanggang dulo, parang ang puso natin. Ito ay may hangganan din tulad ng mga ibang bagay. Naipakita rin dito sa tula na ang ating puso ay kinaya na magtiis ng kalungkutan na dala ng sakit, at kung paano ito nasanay dito.
Ang huling tula ay ang "May mga Tugtuging Hindi ko Malimot". Ang aral dito ay hindi natin kailanman matatakasan ang tunog ng kalungkutan, dahil ayan ang palaging nakakasama at nararanasan natin sa ating buhay. Tuwing sa tayo ay nag-iisa dito natin maririnig ang mga tugtugin ng luha at kalungkutan na kailanman ay 'di natin malilimot o maiiwasan.
Comments
Post a Comment