May mga Tugtuging Hindi ko Malimot
MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT
malungkot na boses ng nagdaralita;
pasa-bahay ka na ay nagugunita’t
parang naririnig saanman magsadya.
Langitngit ng isang kaluluwang sawi,
panaghoy ng pusong nasa pagkalungi;
laging naririnig sa bawat sandali
ang lungkot ng tugtog na mapawi’y hindi.
Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan?
Ikaw baga’y hibik ng pinagtaksilan?
Matutulog ako sa gabing kadimlan
ay umuukilkil hanggang panagimpan.
Oo, mayr’ong tugtog iyang mga b’yoling
tila sumusugat sa ating panimdim;
bawat isang tao’y may lihim na daing,
pinakakatawan sa b’yoling may lagim.
Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi,
kung ako’y hapo na na makitunggali,
ang bawat tugtugi’y kalulwa ng sawi
ako’y dinadalaw sa bawat sandali.
May isang tugtuging hindi ko malimot,
kinakanta-kanta sa sariling loob;
hiniram sa hangin ang lambing at lamyos,
awit ng ligayang natapos sa lungkot
Sa aking pagkakaintindi, ang tunog ng kalungkutan ay hindi matatakasan ng sinuman, maging ito man ay isang malungkot na tunog o hindi. Mga kakaibang tunog na hinding hindi mo malilimutan at nahihirapang labanan. Tila ba ang tulang ito ay may lalaking humihingi ng tulong sa mga pinagdadaanan niya sa buhay, sa bawat tunog ay talagang napapawi ang kalungkutan. Ang buong tema ng tulang netong ito ay tungkol sa kalungkutan. Tunog ng luha at salitang maririnig mo lang sa dilim kapag ikaw ay mag-isa. Palaging may tunog ng kalungkutan at hindi natin ito matatakasan. Hindi mo nakikita ang iyong kalaban at para kang nakikipaglaban sa iyong sarili sa kalungkutan. Minsan, wala tayong magagawa kundi ang umasa sa ating sarili. Sa kasulukuyan, nararanasan ko rin ang tunog na ito, ang kalungkutan na ayoko na ulit maranasan sa dilim.
Comments
Post a Comment